1 Samuel 18

Ngunit lalo namang napamahal ang buong Israel at Juda kay David, dahil pinamumunuan niya sila sa mga labanan.

1 Samuel 18:16 (UKJV) But all Israel and Judah loved David, because he went out and came in before them.

14Nagtagumpay si David sa lahat ng ginagawa niya dahil kasama niya ang Panginoon.

15Nang malaman ni Saul kung gaano katagumpay si David, lalo pa siyang natakot.

16Ngunit lalo namang napamahal ang buong Israel at Juda kay David, dahil pinamumunuan niya sila sa mga labanan.

17Isang araw, sinabi ni Saul kay David, “Handa akong ibigay sa iyo ang panganay kong anak na si Merab bilang asawa mo, pero kailangan mo munang patunayan sa akin na isa kang matapang na mandirigma sa pamamagitan ng pakikipaglaban para sa Panginoon.” At sinabi ni Saul sa sarili niya, “Sa pamamagitan nito ay mapapatay si David ng mga Filisteo at hindi na kailangang ako pa ang pumatay sa kanya.”

18Ngunit sinabi ni David kay Saul, “Sino po ba ako at ang aking pamilya para maging manugang ng hari?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.