1 Samuel 19

sinubukang itusok ni Saul si David sa dingding sa pamamagitan ng pagsibat dito ngunit nakaiwas si David. Tumakas si David noong gabi ring iyon.

1 Samuel 19:10 (UKJV) And Saul sought to strike David even to the wall with the javelin: but he slipped away out of Saul's presence, and he stroke the javelin into the wall: and David fled, and escaped that night.

8Muling naglaban ang mga Filisteo at mga Israelita, at buong lakas na pinamunuan ni David ang mga tauhan niya sa pakikipaglaban. Sinalakay nila David nang buong lakas ang mga Filisteo kaya natalo ang mga ito at nagsitakas.

9Isang araw, habang nakaupo si Saul sa kanyang bahay at may hawak na sibat, sinaniban na naman siya ng masamang espiritu na ipinadala ng Panginoon. Habang tumutugtog si David ng alpa,

10sinubukang itusok ni Saul si David sa dingding sa pamamagitan ng pagsibat dito ngunit nakaiwas si David. Tumakas si David noong gabi ring iyon.

11Nagpadala naman ng mga tauhan si Saul para magmanman sa bahay ni David at para patayin ito kinaumagahan. Ngunit binalaan si David ng kanyang asawang si Mical, “Kung hindi ka tatakas ngayong gabi, papatayin ka bukas.”

12Kaya tinulungan niyang makababa si David sa bintana, at tumakas si David.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.