1 Samuel 19

Nagpadala naman ng mga tauhan si Saul para magmanman sa bahay ni David at para patayin ito kinaumagahan. Ngunit binalaan si David ng kanyang asawang si Mical, “Kung hindi ka tatakas ngayong gabi, papatayin ka bukas.”

1 Samuel 19:11 (UKJV) Saul also sent messengers unto David's house, to watch him, and to slay him in the morning: and Michal David's wife told him, saying, If you save not your life to night, tomorrow you shall be slain.

9Isang araw, habang nakaupo si Saul sa kanyang bahay at may hawak na sibat, sinaniban na naman siya ng masamang espiritu na ipinadala ng Panginoon. Habang tumutugtog si David ng alpa,

10sinubukang itusok ni Saul si David sa dingding sa pamamagitan ng pagsibat dito ngunit nakaiwas si David. Tumakas si David noong gabi ring iyon.

11Nagpadala naman ng mga tauhan si Saul para magmanman sa bahay ni David at para patayin ito kinaumagahan. Ngunit binalaan si David ng kanyang asawang si Mical, “Kung hindi ka tatakas ngayong gabi, papatayin ka bukas.”

12Kaya tinulungan niyang makababa si David sa bintana, at tumakas si David.

13Kumuha naman si Mical ng isang diyos-diyosan, at inihiga sa kama. Kinumutan niya ito, at binalot ng balahibo ng kambing ang ulo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.