1 Samuel 19

Kumuha naman si Mical ng isang diyos-diyosan, at inihiga sa kama. Kinumutan niya ito, at binalot ng balahibo ng kambing ang ulo.

1 Samuel 19:13 (UKJV) And Michal took an image, and laid it in the bed, and put a pillow of goats' hair for his bolster, and covered it with a cloth.

11Nagpadala naman ng mga tauhan si Saul para magmanman sa bahay ni David at para patayin ito kinaumagahan. Ngunit binalaan si David ng kanyang asawang si Mical, “Kung hindi ka tatakas ngayong gabi, papatayin ka bukas.”

12Kaya tinulungan niyang makababa si David sa bintana, at tumakas si David.

13Kumuha naman si Mical ng isang diyos-diyosan, at inihiga sa kama. Kinumutan niya ito, at binalot ng balahibo ng kambing ang ulo.

14Nang dumating ang mga taong ipinadala ni Saul na huhuli kay David, sinabi sa kanila ni Mical na may sakit ito.

15Nang ibinalita nila ito kay Saul, pinabalik sila ni Saul para tingnan nila mismo si David, at sinabihan ng ganito, “Dalhin ninyo siya sa akin na nakahiga sa kanyang higaan para mapatay ko siya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.