12Kaya tinulungan niyang makababa si David sa bintana, at tumakas si David.
13Kumuha naman si Mical ng isang diyos-diyosan, at inihiga sa kama. Kinumutan niya ito, at binalot ng balahibo ng kambing ang ulo.
14Nang dumating ang mga taong ipinadala ni Saul na huhuli kay David, sinabi sa kanila ni Mical na may sakit ito.
15Nang ibinalita nila ito kay Saul, pinabalik sila ni Saul para tingnan nila mismo si David, at sinabihan ng ganito, “Dalhin ninyo siya sa akin na nakahiga sa kanyang higaan para mapatay ko siya.”
16Ngunit nang pumasok sila sa bahay ni David, nakita nila na ang nakahiga ay isang diyos-diyosan na may balahibo ng kambing sa ulo.