1 Samuel 19

kaya nagbigay siya ng babala kay David. Sinabi niya, “Naghahanap ng pagkakataon ang aking ama para patayin ka, kaya mag-ingat ka. Bukas maghanap ka ng mapagtataguan at huwag kang aalis doon.

1 Samuel 19:2 (UKJV) But Jonathan Saul's son delighted much in David: and Jonathan told David, saying, Saul my father seeks to kill you: now therefore, I pray you, take heed to yourself until the morning, and abide in a secret place, and hide yourself:

1Minsan, sinabi ni Saul kay Jonatan at sa lahat ng lingkod niya na patayin si David. Ngunit mahal ni Jonatan si David,

2kaya nagbigay siya ng babala kay David. Sinabi niya, “Naghahanap ng pagkakataon ang aking ama para patayin ka, kaya mag-ingat ka. Bukas maghanap ka ng mapagtataguan at huwag kang aalis doon.

3Dadalhin ko roon ang aking ama at kakausapin ko siya tungkol sa iyo. Pagkatapos, sasabihin ko sa iyo ang napag-usapan namin.”

4Kinaumagahan, kinausap ni Jonatan si Saul tungkol kay David doon sa bukid at pinuri niya ito sa harap ng kanyang ama. Sinabi niya, “Ama, huwag nʼyo pong saktan si David na inyong lingkod dahil wala siyang kasalanan sa inyo. Nakagawa pa nga po siya ng malaking kabutihan sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.