1 Samuel 19

Kinaumagahan, kinausap ni Jonatan si Saul tungkol kay David doon sa bukid at pinuri niya ito sa harap ng kanyang ama. Sinabi niya, “Ama, huwag nʼyo pong saktan si David na inyong lingkod dahil wala siyang kasalanan sa inyo. Nakagawa pa nga po siya ng malaking kabutihan sa inyo.

1 Samuel 19:4 (UKJV) And Jonathan spoke good of David unto Saul his father, and said unto him, Let not the king sin against his servant, against David; because he has not sinned against you, and because his works have been toward you very good:

2kaya nagbigay siya ng babala kay David. Sinabi niya, “Naghahanap ng pagkakataon ang aking ama para patayin ka, kaya mag-ingat ka. Bukas maghanap ka ng mapagtataguan at huwag kang aalis doon.

3Dadalhin ko roon ang aking ama at kakausapin ko siya tungkol sa iyo. Pagkatapos, sasabihin ko sa iyo ang napag-usapan namin.”

4Kinaumagahan, kinausap ni Jonatan si Saul tungkol kay David doon sa bukid at pinuri niya ito sa harap ng kanyang ama. Sinabi niya, “Ama, huwag nʼyo pong saktan si David na inyong lingkod dahil wala siyang kasalanan sa inyo. Nakagawa pa nga po siya ng malaking kabutihan sa inyo.

5Itinaya po niya ang kanyang buhay nang patayin niya ang Filisteong si Goliat at pinagtagumpay ng Panginoon ang buong Israel. Nasaksihan nʼyo ito at natuwa kayo. Ngayon, bakit gusto nʼyo pang ipapatay ang isang inosenteng tao na katulad ni David nang walang dahilan?”

6Pinakinggan ni Saul si Jonatan at sumumpa siya sa pangalan ng Panginoon na buháy na hindi na niya ipapapatay si David.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.