4Kinaumagahan, kinausap ni Jonatan si Saul tungkol kay David doon sa bukid at pinuri niya ito sa harap ng kanyang ama. Sinabi niya, “Ama, huwag nʼyo pong saktan si David na inyong lingkod dahil wala siyang kasalanan sa inyo. Nakagawa pa nga po siya ng malaking kabutihan sa inyo.
5Itinaya po niya ang kanyang buhay nang patayin niya ang Filisteong si Goliat at pinagtagumpay ng Panginoon ang buong Israel. Nasaksihan nʼyo ito at natuwa kayo. Ngayon, bakit gusto nʼyo pang ipapatay ang isang inosenteng tao na katulad ni David nang walang dahilan?”
6Pinakinggan ni Saul si Jonatan at sumumpa siya sa pangalan ng Panginoon na buháy na hindi na niya ipapapatay si David.
7Ipinatawag ni Jonatan si David at sinabi niya rito ang lahat ng pinag-usapan nila ni Saul. Dinala ni Jonatan si David kay Saul, at muling pinaglingkuran ni David si Saul gaya ng dati.
8Muling naglaban ang mga Filisteo at mga Israelita, at buong lakas na pinamunuan ni David ang mga tauhan niya sa pakikipaglaban. Sinalakay nila David nang buong lakas ang mga Filisteo kaya natalo ang mga ito at nagsitakas.