1 Samuel 19

Itinaya po niya ang kanyang buhay nang patayin niya ang Filisteong si Goliat at pinagtagumpay ng Panginoon ang buong Israel. Nasaksihan nʼyo ito at natuwa kayo. Ngayon, bakit gusto nʼyo pang ipapatay ang isang inosenteng tao na katulad ni David nang walang dahilan?”

1 Samuel 19:5 (UKJV) For he did put his life in his hand, and slew the Philistine, and the LORD wrought a great salvation for all Israel: you saw it, and did rejoice: wherefore then will you sin against innocent blood, to slay David without a cause?

3Dadalhin ko roon ang aking ama at kakausapin ko siya tungkol sa iyo. Pagkatapos, sasabihin ko sa iyo ang napag-usapan namin.”

4Kinaumagahan, kinausap ni Jonatan si Saul tungkol kay David doon sa bukid at pinuri niya ito sa harap ng kanyang ama. Sinabi niya, “Ama, huwag nʼyo pong saktan si David na inyong lingkod dahil wala siyang kasalanan sa inyo. Nakagawa pa nga po siya ng malaking kabutihan sa inyo.

5Itinaya po niya ang kanyang buhay nang patayin niya ang Filisteong si Goliat at pinagtagumpay ng Panginoon ang buong Israel. Nasaksihan nʼyo ito at natuwa kayo. Ngayon, bakit gusto nʼyo pang ipapatay ang isang inosenteng tao na katulad ni David nang walang dahilan?”

6Pinakinggan ni Saul si Jonatan at sumumpa siya sa pangalan ng Panginoon na buháy na hindi na niya ipapapatay si David.

7Ipinatawag ni Jonatan si David at sinabi niya rito ang lahat ng pinag-usapan nila ni Saul. Dinala ni Jonatan si David kay Saul, at muling pinaglingkuran ni David si Saul gaya ng dati.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.