1 Samuel 19

kaya nagpadala siya ng mga tauhan para hulihin si David. Pagdating nila roon, nakita nila ang mga propetang nagpapahayag ng mensahe ng Diyos at pinangungunahan ni Samuel. Pagkatapos, napuspos ng Espiritu ng Diyos ang mga tauhan ni Saul at nagpahayag din sila ng mensahe ng Diyos.

1 Samuel 19:20 (UKJV) And Saul sent messengers to take David: and when they saw the company of the prophets prophesying, and Samuel standing as appointed over them, the Spirit of God was upon the messengers of Saul, and they also prophesied.

18Nang makatakas si David, pumunta siya kay Samuel sa Rama at sinabi niya ang lahat ng ginawa ni Saul sa kanya. Pagkatapos nito, pumunta sila ni Samuel sa Nayot at doon nanirahan.

19Nabalitaan ni Saul na si David ay nasa Nayot sa Rama,

20kaya nagpadala siya ng mga tauhan para hulihin si David. Pagdating nila roon, nakita nila ang mga propetang nagpapahayag ng mensahe ng Diyos at pinangungunahan ni Samuel. Pagkatapos, napuspos ng Espiritu ng Diyos ang mga tauhan ni Saul at nagpahayag din sila ng mensahe ng Diyos.

21Nang marinig ni Saul ang nangyari, muli siyang nagpadala ng mga tauhan para hulihin si David. Ngunit pagdating nila doon, ganoon din ang nangyari, nagpahayag din ang mga ito ng mensahe ng Diyos. Muling nagpadala si Saul ng mga tauhan sa ikatlong pagkakataon pero ganoon din ang nangyari sa mga ito.

22Sa bandang huli, si Saul na mismo ang pumunta sa Rama. Pagdating niya sa malaking balon ng Secu, nagtanung-tanong siya kung nasaan sina Samuel at David. Sinabi sa kanya na nasa Nayot sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.