1 Samuel 19

Nang marinig ni Saul ang nangyari, muli siyang nagpadala ng mga tauhan para hulihin si David. Ngunit pagdating nila doon, ganoon din ang nangyari, nagpahayag din ang mga ito ng mensahe ng Diyos. Muling nagpadala si Saul ng mga tauhan sa ikatlong pagkakataon pero ganoon din ang nangyari sa mga ito.

1 Samuel 19:21 (UKJV) And when it was told Saul, he sent other messengers, and they prophesied likewise. And Saul sent messengers again the third time, and they prophesied also.

19Nabalitaan ni Saul na si David ay nasa Nayot sa Rama,

20kaya nagpadala siya ng mga tauhan para hulihin si David. Pagdating nila roon, nakita nila ang mga propetang nagpapahayag ng mensahe ng Diyos at pinangungunahan ni Samuel. Pagkatapos, napuspos ng Espiritu ng Diyos ang mga tauhan ni Saul at nagpahayag din sila ng mensahe ng Diyos.

21Nang marinig ni Saul ang nangyari, muli siyang nagpadala ng mga tauhan para hulihin si David. Ngunit pagdating nila doon, ganoon din ang nangyari, nagpahayag din ang mga ito ng mensahe ng Diyos. Muling nagpadala si Saul ng mga tauhan sa ikatlong pagkakataon pero ganoon din ang nangyari sa mga ito.

22Sa bandang huli, si Saul na mismo ang pumunta sa Rama. Pagdating niya sa malaking balon ng Secu, nagtanung-tanong siya kung nasaan sina Samuel at David. Sinabi sa kanya na nasa Nayot sila.

23Kaya pumunta si Saul sa Nayot. Ngunit habang nasa daan, pinuspos rin siya ng Espiritu ng Diyos at nagpahayag din siya ng mensahe ng Diyos hanggang sa makarating siya sa Nayot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.