1 Samuel 19

Kaya pumunta si Saul sa Nayot. Ngunit habang nasa daan, pinuspos rin siya ng Espiritu ng Diyos at nagpahayag din siya ng mensahe ng Diyos hanggang sa makarating siya sa Nayot.

1 Samuel 19:23 (UKJV) And he went thither to Naioth in Ramah: and the Spirit of God was upon him also, and he went on, and prophesied, until he came to Naioth in Ramah.

21Nang marinig ni Saul ang nangyari, muli siyang nagpadala ng mga tauhan para hulihin si David. Ngunit pagdating nila doon, ganoon din ang nangyari, nagpahayag din ang mga ito ng mensahe ng Diyos. Muling nagpadala si Saul ng mga tauhan sa ikatlong pagkakataon pero ganoon din ang nangyari sa mga ito.

22Sa bandang huli, si Saul na mismo ang pumunta sa Rama. Pagdating niya sa malaking balon ng Secu, nagtanung-tanong siya kung nasaan sina Samuel at David. Sinabi sa kanya na nasa Nayot sila.

23Kaya pumunta si Saul sa Nayot. Ngunit habang nasa daan, pinuspos rin siya ng Espiritu ng Diyos at nagpahayag din siya ng mensahe ng Diyos hanggang sa makarating siya sa Nayot.

24Nang naroon na siya, hinubad niya ang kanyang damit at nagpahayag ng mensahe ng Diyos sa harapan ni Samuel. Nahiga siya nang nakahubad buong araw at gabi. Ito ang dahilan kung bakit nagtatanong ang mga tao, “Naging propeta na rin ba si Saul?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.