22Sa bandang huli, si Saul na mismo ang pumunta sa Rama. Pagdating niya sa malaking balon ng Secu, nagtanung-tanong siya kung nasaan sina Samuel at David. Sinabi sa kanya na nasa Nayot sila.
23Kaya pumunta si Saul sa Nayot. Ngunit habang nasa daan, pinuspos rin siya ng Espiritu ng Diyos at nagpahayag din siya ng mensahe ng Diyos hanggang sa makarating siya sa Nayot.
24Nang naroon na siya, hinubad niya ang kanyang damit at nagpahayag ng mensahe ng Diyos sa harapan ni Samuel. Nahiga siya nang nakahubad buong araw at gabi. Ito ang dahilan kung bakit nagtatanong ang mga tao, “Naging propeta na rin ba si Saul?”