1 Samuel 2

Parehong salbahe tao ang dalawang anak ni Eli. Hindi sila sumusunod sa Panginoon

1 Samuel 2:12 (UKJV) Now the sons of Eli were sons of Belial; they knew not the LORD.

10Dudurugin niya ang kanyang mga kaaway. Padadagundungin niya ang langit laban sa kanila. Ang Panginoon ang hahatol sa buong mundo. Dahil sa kanya, magiging makapangyarihan at laging magtatagumpay ang haring kanyang hinirang.”

11Pagkatapos, umuwi si Elcana sa Rama kasama ang kanyang buong pamilya. Ang batang si Samuel naman ay naiwan at naglingkod sa Panginoon sa ilalim ng pangangalaga ng paring si Eli.

12Parehong salbahe tao ang dalawang anak ni Eli. Hindi sila sumusunod sa Panginoon

13Ito ang kanilang ginagawa kapag may naghahandog: Habang pinapakuluan ang mga karneng ihahandog, pinapapunta nila roon ang katulong nila na may dalang malaking tinidor na may tatlong tulis.

14Pagkatapos, tutusukin ng alipin ang mga karne sa loob ng kawali, kawa, kaldero o palayok. Ang matusok ng tinidor ay ang bahaging mapupunta sa mga pari. Ganito ang kanilang ginagawa tuwing maghahandog ang mga Israelita sa Silo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.