1 Samuel 2

Kapag sinabi ng naghahandog na, “Hintayin muna nating maihandog ang taba ng karne bago ka kumuha ng gusto mo,” sasabihin ng alipin, “Hindi maaari! Kailangang ngayon mo ibigay dahil kung hindi, aagawin ko iyan sa iyo.”

1 Samuel 2:16 (UKJV) And if any man said unto him, Let them not fail to burn the fat presently, and then take as much as your soul desires; then he would answer him, Nay; but you shall give it me now: and if not, I will take it by force.

14Pagkatapos, tutusukin ng alipin ang mga karne sa loob ng kawali, kawa, kaldero o palayok. Ang matusok ng tinidor ay ang bahaging mapupunta sa mga pari. Ganito ang kanilang ginagawa tuwing maghahandog ang mga Israelita sa Silo.

15At bago pa masunog ang taba ng karne, pumupunta ang alipin sa naghahandog at sinasabi, “Bigyan mo ang pari ng karneng maiihaw. Hindi siya tumatanggap ng pinakuluan. Hilaw lang ang gusto niya.”

16Kapag sinabi ng naghahandog na, “Hintayin muna nating maihandog ang taba ng karne bago ka kumuha ng gusto mo,” sasabihin ng alipin, “Hindi maaari! Kailangang ngayon mo ibigay dahil kung hindi, aagawin ko iyan sa iyo.”

17Malaking kasalanan sa paningin ng Panginoon ang ginagawa ng mga anak ni Eli dahil hindi nila iginagalang ang handog para sa Panginoon.

18Samantala, ang batang si Samuel ay naglilingkod sa Panginoon, suot-suot ang efod.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.