1 Samuel 2

At bago pa masunog ang taba ng karne, pumupunta ang alipin sa naghahandog at sinasabi, “Bigyan mo ang pari ng karneng maiihaw. Hindi siya tumatanggap ng pinakuluan. Hilaw lang ang gusto niya.”

1 Samuel 2:15 (UKJV) Also before they burnt the fat, the priest's servant came, and said to the man that sacrificed, Give flesh to roast for the priest; for he will not have sodden flesh of you, but raw.

13Ito ang kanilang ginagawa kapag may naghahandog: Habang pinapakuluan ang mga karneng ihahandog, pinapapunta nila roon ang katulong nila na may dalang malaking tinidor na may tatlong tulis.

14Pagkatapos, tutusukin ng alipin ang mga karne sa loob ng kawali, kawa, kaldero o palayok. Ang matusok ng tinidor ay ang bahaging mapupunta sa mga pari. Ganito ang kanilang ginagawa tuwing maghahandog ang mga Israelita sa Silo.

15At bago pa masunog ang taba ng karne, pumupunta ang alipin sa naghahandog at sinasabi, “Bigyan mo ang pari ng karneng maiihaw. Hindi siya tumatanggap ng pinakuluan. Hilaw lang ang gusto niya.”

16Kapag sinabi ng naghahandog na, “Hintayin muna nating maihandog ang taba ng karne bago ka kumuha ng gusto mo,” sasabihin ng alipin, “Hindi maaari! Kailangang ngayon mo ibigay dahil kung hindi, aagawin ko iyan sa iyo.”

17Malaking kasalanan sa paningin ng Panginoon ang ginagawa ng mga anak ni Eli dahil hindi nila iginagalang ang handog para sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.