15At bago pa masunog ang taba ng karne, pumupunta ang alipin sa naghahandog at sinasabi, “Bigyan mo ang pari ng karneng maiihaw. Hindi siya tumatanggap ng pinakuluan. Hilaw lang ang gusto niya.”
16Kapag sinabi ng naghahandog na, “Hintayin muna nating maihandog ang taba ng karne bago ka kumuha ng gusto mo,” sasabihin ng alipin, “Hindi maaari! Kailangang ngayon mo ibigay dahil kung hindi, aagawin ko iyan sa iyo.”
17Malaking kasalanan sa paningin ng Panginoon ang ginagawa ng mga anak ni Eli dahil hindi nila iginagalang ang handog para sa Panginoon.
18Samantala, ang batang si Samuel ay naglilingkod sa Panginoon, suot-suot ang efod.
19Taon-taon, iginagawa siya ng kanyang ina ng balabal, at dinadala niya ito kay Samuel tuwing maghahandog sila ng asawa niya ng taunang handog.