1 Samuel 2

Taon-taon, iginagawa siya ng kanyang ina ng balabal, at dinadala niya ito kay Samuel tuwing maghahandog sila ng asawa niya ng taunang handog.

1 Samuel 2:19 (UKJV) Moreover his mother made him a little coat, and brought it to him from year to year, when she came up with her husband to offer the yearly sacrifice.

17Malaking kasalanan sa paningin ng Panginoon ang ginagawa ng mga anak ni Eli dahil hindi nila iginagalang ang handog para sa Panginoon.

18Samantala, ang batang si Samuel ay naglilingkod sa Panginoon, suot-suot ang efod.

19Taon-taon, iginagawa siya ng kanyang ina ng balabal, at dinadala niya ito kay Samuel tuwing maghahandog sila ng asawa niya ng taunang handog.

20Doon, binabasbasan ni Eli si Elcana at ang kanyang asawa. Sinasabi niya kay Elcana, “Sanaʼy bigyan ka ng Panginoon ng mga anak sa babaeng ito kapalit ng kanyang hiningi at inihandog sa Panginoon.” Pagkatapos ay umuuwi na sila.

21Kinahabagan ng Panginoon si Ana. Nagkaanak pa siya ng tatlong lalaki at dalawang babae, habang si Samuel ay patuloy na lumalaking naglilingkod sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.