1 Samuel 2

Doon, binabasbasan ni Eli si Elcana at ang kanyang asawa. Sinasabi niya kay Elcana, “Sanaʼy bigyan ka ng Panginoon ng mga anak sa babaeng ito kapalit ng kanyang hiningi at inihandog sa Panginoon.” Pagkatapos ay umuuwi na sila.

1 Samuel 2:20 (UKJV) And Eli blessed Elkanah and his wife, and said, The LORD give you seed of this woman for the loan which is lent to the LORD. And they went unto their own home.

18Samantala, ang batang si Samuel ay naglilingkod sa Panginoon, suot-suot ang efod.

19Taon-taon, iginagawa siya ng kanyang ina ng balabal, at dinadala niya ito kay Samuel tuwing maghahandog sila ng asawa niya ng taunang handog.

20Doon, binabasbasan ni Eli si Elcana at ang kanyang asawa. Sinasabi niya kay Elcana, “Sanaʼy bigyan ka ng Panginoon ng mga anak sa babaeng ito kapalit ng kanyang hiningi at inihandog sa Panginoon.” Pagkatapos ay umuuwi na sila.

21Kinahabagan ng Panginoon si Ana. Nagkaanak pa siya ng tatlong lalaki at dalawang babae, habang si Samuel ay patuloy na lumalaking naglilingkod sa Panginoon.

22Ngayon, matandang-matanda na si Eli. Nabalitaan niya ang lahat ng kasamaang ginagawa ng kanyang mga anak sa mga Israelita. Nalaman na rin niya ang pagsiping ng mga ito sa mga babaeng naglilingkod sa may pintuan ng Toldang Tipanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.