1 Samuel 2

Tandaan ninyo: Darating ang panahon na lilipulin ko ang lahat ng kabataan sa iyong pamilya, gayundin sa iyong mga kamag-anak. Paiikliin ko ang buhay ninyo at wala na sa inyo ang makakaranas na tumanda.

1 Samuel 2:31 (UKJV) Behold, the days come, that I will cut off yours arm, and the arm of your father's house, that there shall not be an old man in yours house.

29Bakit ninyo nilalapastangan ang mga handog na para sa akin? Bakit mas iginagalang mo pa, Eli, ang mga anak mo kaysa sa akin? Hinahayaan mong patabain nila ang kanilang mga sarili ng mga pinakamagandang bahagi ng handog ng mga mamamayan kong Israelita.

30“Ako na inyong Panginoon, ang Diyos ng Israel ay nangako noon na kayo lang at ang lahi ng inyong mga ninuno ang makapaglilingkod sa akin magpakailanman bilang pari. Ngunit hindi na ngayon, dahil pararangalan ko ang nagpaparangal sa akin, ngunit hahamakin ko ang humahamak sa akin.

31Tandaan ninyo: Darating ang panahon na lilipulin ko ang lahat ng kabataan sa iyong pamilya, gayundin sa iyong mga kamag-anak. Paiikliin ko ang buhay ninyo at wala na sa inyo ang makakaranas na tumanda.

32Magdurusa kayo at hindi ninyo mararanasan ang kasaganaang ibibigay ko sa Israel. Magiging maikli ang inyong buhay.

33Hindi ko aalisin ang iba sa inyo sa paglilingkod sa akin bilang pari, pero daranas sila ng matinding pighati at pagdurusa, at hindi sila mabubuhay nang matagal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.