1 Samuel 2

Hindi ko aalisin ang iba sa inyo sa paglilingkod sa akin bilang pari, pero daranas sila ng matinding pighati at pagdurusa, at hindi sila mabubuhay nang matagal.

1 Samuel 2:33 (UKJV) And the man of yours, whom I shall not cut off from mine altar, shall be to consume yours eyes, and to grieve yours heart: and all the increase of yours house shall die in the flower of their age.

31Tandaan ninyo: Darating ang panahon na lilipulin ko ang lahat ng kabataan sa iyong pamilya, gayundin sa iyong mga kamag-anak. Paiikliin ko ang buhay ninyo at wala na sa inyo ang makakaranas na tumanda.

32Magdurusa kayo at hindi ninyo mararanasan ang kasaganaang ibibigay ko sa Israel. Magiging maikli ang inyong buhay.

33Hindi ko aalisin ang iba sa inyo sa paglilingkod sa akin bilang pari, pero daranas sila ng matinding pighati at pagdurusa, at hindi sila mabubuhay nang matagal.

34“At bilang tanda sa iyo na mangyayari ang mga bagay na ito, mamamatay nang sabay ang dalawa mong anak na sina Hofni at Finehas sa parehong araw.

35Pipili ako ng isang pari na tapat sa akin at susunod sa aking kalooban. Bibigyan ko siya ng mga angkan na maglilingkod sa aking piniling hari magpakailanman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.