1 Samuel 2

Iniingatan niya ang tapat niyang mamamayan, ngunit nililipol niya ang masasamâ. Walang sinumang nagtatagumpay sa sarili niyang kalakasan.

1 Samuel 2:9 (UKJV) He will keep the feet of his saints, and the wicked shall be silent in darkness; for by strength shall no man prevail.

7Ang Panginoon ang nagpapadukha at nagpapayaman. Itinataas niya ang iba at ang ibaʼy kanyang ibinababa.

8Ibinabangon niya ang mga mahihirap sa kanilang kahirapan. Pinapaupo niya sila kasama ng mga maharlika silaʼy kanyang pinararangalan. “Sa Panginoon ang pundasyon ng sanlibutan; na kinatatayuan ng mundo.

9Iniingatan niya ang tapat niyang mamamayan, ngunit nililipol niya ang masasamâ. Walang sinumang nagtatagumpay sa sarili niyang kalakasan.

10Dudurugin niya ang kanyang mga kaaway. Padadagundungin niya ang langit laban sa kanila. Ang Panginoon ang hahatol sa buong mundo. Dahil sa kanya, magiging makapangyarihan at laging magtatagumpay ang haring kanyang hinirang.”

11Pagkatapos, umuwi si Elcana sa Rama kasama ang kanyang buong pamilya. Ang batang si Samuel naman ay naiwan at naglingkod sa Panginoon sa ilalim ng pangangalaga ng paring si Eli.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.