1 Samuel 20

Sabi po kasi niya, ‘Inutusan ako ng kapatid ko na sumáma muna ako sa aming pamilya na maghandog, kaya humihingi ako ng pabor na payagan mo akong makita ang aking mga kapatid.’ Iyan po ang dahilan kung bakit hindi nʼyo siya kasalo, amang hari.”

1 Samuel 20:29 (UKJV) And he said, Let me go, I pray you; for our family has a sacrifice in the city; and my brother, he has commanded me to be there: and now, if I have found favour in yours eyes, let me get away, I pray you, and see my brethren. Therefore he comes not unto the king's table.

27Ngunit nang sumunod na araw, ang ikalawang araw ng buwan, bakante pa rin ang upuan ni David. Kaya tinanong ni Saul si Jonatan, “Bakit hindi pumunta rito si David na anak ni Jesse para makisalo sa atin kahapon at ngayon?”

28Sumagot si Jonatan, “Nagpaalam po siya sa akin na uuwi muna siya sa Bethlehem.

29Sabi po kasi niya, ‘Inutusan ako ng kapatid ko na sumáma muna ako sa aming pamilya na maghandog, kaya humihingi ako ng pabor na payagan mo akong makita ang aking mga kapatid.’ Iyan po ang dahilan kung bakit hindi nʼyo siya kasalo, amang hari.”

30Galit na galit si Saul kay Jonatan. Sinabi niya, “Walang hiya ka! Anak ka ng masamang babae! Alam kong kinakampihan mo ang anak ni Jesse. Ipinahiya mo ang iyong sarili at ang iyong ina.

31Habang nabubuhay si David na anak ni Jesse, hindi ka magiging hari. Kaya kunin mo siya ngayon at dalhin sa akin. Dapat siyang mamatay.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.