1 Samuel 20

Ngunit sinabi ni David, “Alam na alam ng iyong ama ang tungkol sa pagkakaibigan natin kaya minabuti niya na huwag nang ipaalam sa iyo ang plano niyang pagpatay sa akin, dahil baka masaktan ka lang. Ngunit tinitiyak ko sa iyo, at sa harap ng presensya ng Panginoon na buháy, na nasa panganib ang buhay ko.”

1 Samuel 20:3 (UKJV) And David swore moreover, and said, Your father certainly knows that I have found grace in yours eyes; and he says, Let not Jonathan know this, lest he be grieved: but truly as the LORD lives, and as your soul lives, there is but a step between me and death.

1Tumakas si David mula sa Nayot sa Rama, at pumunta kay Jonatan at nagtanong, “Ano ba ang kasalanang nagawa ko sa iyong ama at gusto niya akong patayin?”

2Sumagot si Jonatan, “Hindi ka mamamatay! Sigurado akong wala siyang pinaplanong ganyan. Maliit man o malaking bagay, ipinapaalam ng ama ko sa akin ang lahat ng gagawin niya. Kung binabalak ka niyang patayin, ipinaalam na sana niya ito sa akin. Kaya hindi totoo yan.”

3Ngunit sinabi ni David, “Alam na alam ng iyong ama ang tungkol sa pagkakaibigan natin kaya minabuti niya na huwag nang ipaalam sa iyo ang plano niyang pagpatay sa akin, dahil baka masaktan ka lang. Ngunit tinitiyak ko sa iyo, at sa harap ng presensya ng Panginoon na buháy, na nasa panganib ang buhay ko.”

4Sinabi ni Jonatan kay David, “Anuman ang gusto mong gawin ko, gagawin ko.”

5Kaya sinabi ni David, “Bukas ay Pista ng Bagong Buwan, at gaya ng nakagawian, dapat akong kumain kasama ng hari. Ngunit hayaan mo akong makaalis at magtago sa bukid hanggang sa gabi ng ikatlong araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.