1 Samuel 20

Kaya sinabi ni David, “Bukas ay Pista ng Bagong Buwan, at gaya ng nakagawian, dapat akong kumain kasama ng hari. Ngunit hayaan mo akong makaalis at magtago sa bukid hanggang sa gabi ng ikatlong araw.

1 Samuel 20:5 (UKJV) And David said unto Jonathan, Behold, tomorrow is the new moon, and I should not fail to sit with the king at food: but let me go, that I may hide myself in the field unto the third day at even.

3Ngunit sinabi ni David, “Alam na alam ng iyong ama ang tungkol sa pagkakaibigan natin kaya minabuti niya na huwag nang ipaalam sa iyo ang plano niyang pagpatay sa akin, dahil baka masaktan ka lang. Ngunit tinitiyak ko sa iyo, at sa harap ng presensya ng Panginoon na buháy, na nasa panganib ang buhay ko.”

4Sinabi ni Jonatan kay David, “Anuman ang gusto mong gawin ko, gagawin ko.”

5Kaya sinabi ni David, “Bukas ay Pista ng Bagong Buwan, at gaya ng nakagawian, dapat akong kumain kasama ng hari. Ngunit hayaan mo akong makaalis at magtago sa bukid hanggang sa gabi ng ikatlong araw.

6Kung hahanapin ako ng iyong ama, sabihin mo sa kanya na humingi ako ng pahintulot sa iyo na umuwi sa aking bayang Bethlehem upang makasama ko ang buo kong pamilya sa paghahandog na ginagawa nila taon-taon.

7Kapag hindi siya nagalit, ibig sabihin akoʼy wala sa panganib. Ngunit kapag nagalit siya, alam mo nang binabalak niya akong patayin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.