1 Samuel 20

Kung hahanapin ako ng iyong ama, sabihin mo sa kanya na humingi ako ng pahintulot sa iyo na umuwi sa aking bayang Bethlehem upang makasama ko ang buo kong pamilya sa paghahandog na ginagawa nila taon-taon.

1 Samuel 20:6 (UKJV) If your father at all miss me, then say, David earnestly asked leave of me that he might run to Bethlehem his city: for there is a yearly sacrifice there for all the family.

4Sinabi ni Jonatan kay David, “Anuman ang gusto mong gawin ko, gagawin ko.”

5Kaya sinabi ni David, “Bukas ay Pista ng Bagong Buwan, at gaya ng nakagawian, dapat akong kumain kasama ng hari. Ngunit hayaan mo akong makaalis at magtago sa bukid hanggang sa gabi ng ikatlong araw.

6Kung hahanapin ako ng iyong ama, sabihin mo sa kanya na humingi ako ng pahintulot sa iyo na umuwi sa aking bayang Bethlehem upang makasama ko ang buo kong pamilya sa paghahandog na ginagawa nila taon-taon.

7Kapag hindi siya nagalit, ibig sabihin akoʼy wala sa panganib. Ngunit kapag nagalit siya, alam mo nang binabalak niya akong patayin.

8Kaya kung maaari, tulungan mo ako. Gawin mo sa akin ang kabutihang ito, ayon sa napagkasunduan natin sa presensya ng Panginoon. Ngunit kung nagkasala man ako, ikaw na ang pumatay sa akin. Bakit mo pa ako ibibigay sa iyong ama?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.