1 Samuel 20

Kaya kung maaari, tulungan mo ako. Gawin mo sa akin ang kabutihang ito, ayon sa napagkasunduan natin sa presensya ng Panginoon. Ngunit kung nagkasala man ako, ikaw na ang pumatay sa akin. Bakit mo pa ako ibibigay sa iyong ama?”

1 Samuel 20:8 (UKJV) Therefore you shall deal kindly with your servant; for you have brought your servant into a covenant of the LORD with you: notwithstanding, if there be in me iniquity, slay me yourself; for why should you bring me to your father?

6Kung hahanapin ako ng iyong ama, sabihin mo sa kanya na humingi ako ng pahintulot sa iyo na umuwi sa aking bayang Bethlehem upang makasama ko ang buo kong pamilya sa paghahandog na ginagawa nila taon-taon.

7Kapag hindi siya nagalit, ibig sabihin akoʼy wala sa panganib. Ngunit kapag nagalit siya, alam mo nang binabalak niya akong patayin.

8Kaya kung maaari, tulungan mo ako. Gawin mo sa akin ang kabutihang ito, ayon sa napagkasunduan natin sa presensya ng Panginoon. Ngunit kung nagkasala man ako, ikaw na ang pumatay sa akin. Bakit mo pa ako ibibigay sa iyong ama?”

9Sumagot si Jonatan, “Hindi iyan mangyayari! Kung nalalaman ko na may balak ang aking ama na patayin ka, ipapaalam ko agad sa iyo.”

10Nagtanong si David, “Paano ko malalaman kung galit o hindi ang iyong ama?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.