7Kapag hindi siya nagalit, ibig sabihin akoʼy wala sa panganib. Ngunit kapag nagalit siya, alam mo nang binabalak niya akong patayin.
8Kaya kung maaari, tulungan mo ako. Gawin mo sa akin ang kabutihang ito, ayon sa napagkasunduan natin sa presensya ng Panginoon. Ngunit kung nagkasala man ako, ikaw na ang pumatay sa akin. Bakit mo pa ako ibibigay sa iyong ama?”
9Sumagot si Jonatan, “Hindi iyan mangyayari! Kung nalalaman ko na may balak ang aking ama na patayin ka, ipapaalam ko agad sa iyo.”
10Nagtanong si David, “Paano ko malalaman kung galit o hindi ang iyong ama?”
11Sinabi ni Jonatan, “Sumama ka sa akin sa bukid.” Kaya nagpunta sila roon.