12Pagdating nila, sinabi ni Saul, “Makinig ka sa akin, anak ni Ahitob.” “Nakikinig po ako, Mahal na Hari,” sagot ni Ahimelec.
13Sinabi ni Saul sa kanya, “Bakit ka nakipagsabwatan sa anak ni Jesse laban sa akin? Bakit binigyan mo pa siya ng pagkain at espada? Bakit nagtanong ka pa sa Diyos para sa kanya? Hindi mo ba alam na nagrerebelde siya sa akin at binabalak niya akong patayin?”
14Sumagot si Ahimelec sa hari, “Hindi po baʼt si David ay manugang ninyo at pinakamatapat ninyong lingkod? Bukod pa roon, siya po ang kapitan ng mga guwardiya ninyo at iginagalang siya sa inyong sambahayan.
15Opo, nagtanong ako sa Diyos para sa kanya, pero matagal ko na itong ginagawa sa kanya noon pa. Nakikiusap po ako, mahal na hari, huwag ninyo akong akusahan pati na ang sambahayan ko sa bagay na ito, dahil wala akong nalalaman sa mga plano niya laban sa inyo.”
16Ngunit sinabi ng hari, “Siguradong mamamatay ka, Ahimelec, kasama ang buo mong pamilya.”