17Sinabi ni Jonatan, “Huwag kang matakot. Hindi ka magagalaw ng aking ama. Alam ng aking ama na magiging hari ka ng Israel at magiging pangalawa lang ako sa iyo.”
18Gumawa silang dalawa ng kasunduan sa presensya ng Panginoon. At pagkatapos, umuwi na si Jonatan ngunit nagpaiwan si David sa Hores.
19Ngayon, may mga taga-Zif na pumunta kay Saul sa Gibea at nagsabi, “Nagtatago po si David sa amin doon sa Hores sa kaburulan ng Hakila, sa gawing timog ng Jeshimon.
20Kaya Mahal na Hari, pumunta po kayo roon anumang oras na gustuhin ninyo at kami na ang bahala. Ibibigay namin sa inyo si David.”
21Sumagot si Saul, “Pagpalain sana kayo ng Panginoon sa pag-aalala ninyo sa akin.