1 Samuel 23

Gumawa silang dalawa ng kasunduan sa presensya ng Panginoon. At pagkatapos, umuwi na si Jonatan ngunit nagpaiwan si David sa Hores.

1 Samuel 23:18 (UKJV) And they two made a covenant before the LORD: and David abode in the wood, and Jonathan went to his house.

16Ngunit si Jonatan na anak ni Saul ay pumunta sa kanya sa Hores para palakasin ang pananampalataya niya sa Diyos.

17Sinabi ni Jonatan, “Huwag kang matakot. Hindi ka magagalaw ng aking ama. Alam ng aking ama na magiging hari ka ng Israel at magiging pangalawa lang ako sa iyo.”

18Gumawa silang dalawa ng kasunduan sa presensya ng Panginoon. At pagkatapos, umuwi na si Jonatan ngunit nagpaiwan si David sa Hores.

19Ngayon, may mga taga-Zif na pumunta kay Saul sa Gibea at nagsabi, “Nagtatago po si David sa amin doon sa Hores sa kaburulan ng Hakila, sa gawing timog ng Jeshimon.

20Kaya Mahal na Hari, pumunta po kayo roon anumang oras na gustuhin ninyo at kami na ang bahala. Ibibigay namin sa inyo si David.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.