19Ngayon, may mga taga-Zif na pumunta kay Saul sa Gibea at nagsabi, “Nagtatago po si David sa amin doon sa Hores sa kaburulan ng Hakila, sa gawing timog ng Jeshimon.
20Kaya Mahal na Hari, pumunta po kayo roon anumang oras na gustuhin ninyo at kami na ang bahala. Ibibigay namin sa inyo si David.”
21Sumagot si Saul, “Pagpalain sana kayo ng Panginoon sa pag-aalala ninyo sa akin.
22Lumakad na kayo at tiyakin ninyo kung saan siya pumupunta at kung sino ang nakakita sa kanya roon, dahil alam kong napakatuso niya.
23Alamin ninyo kung saan siya puwedeng magtago at bumalik kayo rito kapag sigurado na kayo. Pagkatapos, sasáma ako sa inyo at kung naroon pa siya, hahanapin ko siya kahit saan sa lupain ng Juda.”