1 Samuel 25

Parusahan sana ako ng Diyos nang napakatindi kapag may itinira pa akong buháy na lalaki sa sambahayan niya pagdating ng umaga.”

1 Samuel 25:22 (UKJV) So and more also do God unto the enemies of David, if I leave of all that pertain to him by the morning light any that pisses against the wall.

20Habang nakasakay si Abigail sa kanyang asno at paliko na sa gilid ng bundok, nakita niyang parating naman si David at ang mga tauhan nito.

21Samantala, sinasabi ni David, “Walang saysay ang pagbabantay natin sa mga ari-arian ni Nabal sa disyerto para walang mawala sa mga ito. Masama pa ang iginanti niya sa mga kabutihang ginawa natin.

22Parusahan sana ako ng Diyos nang napakatindi kapag may itinira pa akong buháy na lalaki sa sambahayan niya pagdating ng umaga.”

23Nang makita ni Abigail si David, dali-dali siyang bumaba sa kanyang asno at lumuhod sa harapan ni David.

24Sinabi niya, “Pakiusap po, pakinggan nʼyo ako. Inaako ko na po ang pagkakamali ng aking asawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.