1 Samuel 25

Sinabi niya, “Pakiusap po, pakinggan nʼyo ako. Inaako ko na po ang pagkakamali ng aking asawa.

1 Samuel 25:24 (UKJV) And fell at his feet, and said, Upon me, my lord, upon me let this iniquity be: and let yours handmaid, I pray you, speak in yours audience, and hear the words of yours handmaid.

22Parusahan sana ako ng Diyos nang napakatindi kapag may itinira pa akong buháy na lalaki sa sambahayan niya pagdating ng umaga.”

23Nang makita ni Abigail si David, dali-dali siyang bumaba sa kanyang asno at lumuhod sa harapan ni David.

24Sinabi niya, “Pakiusap po, pakinggan nʼyo ako. Inaako ko na po ang pagkakamali ng aking asawa.

25Huwag nʼyo na pong pag-aksayahan ng panahon ang walang kuwentang si Nabal. Nababagay lang sa kanya ang pangalan niyang Nabal, na ang ibig sabihin ay ‘hangal.’ Ipagpaumanhin nʼyo po pero hindi ko nakita ang mga mensaherong pinapunta nʼyo kay Nabal.

26“Ngayon po, niloob ng Panginoon na hindi matuloy ang pagdanak ng dugo at paghihiganti ninyo upang hindi madungisan ang inyong mga kamay. Isinusumpa ko sa buháy na Panginoon na inyong Diyos, at sa inyo, na mapahamak nawa tulad ni Nabal ang inyong mga kaaway at ang lahat ng naghahangad ng masama laban sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.