1 Samuel 25

“Ngayon po, niloob ng Panginoon na hindi matuloy ang pagdanak ng dugo at paghihiganti ninyo upang hindi madungisan ang inyong mga kamay. Isinusumpa ko sa buháy na Panginoon na inyong Diyos, at sa inyo, na mapahamak nawa tulad ni Nabal ang inyong mga kaaway at ang lahat ng naghahangad ng masama laban sa inyo.

1 Samuel 25:26 (UKJV) Now therefore, my lord, as the LORD lives, and as your soul lives, seeing the LORD has withheld you from coming to shed blood, and from avenging yourself with yours own hand, now let yours enemies, and they that seek evil to my lord, be as Nabal.

24Sinabi niya, “Pakiusap po, pakinggan nʼyo ako. Inaako ko na po ang pagkakamali ng aking asawa.

25Huwag nʼyo na pong pag-aksayahan ng panahon ang walang kuwentang si Nabal. Nababagay lang sa kanya ang pangalan niyang Nabal, na ang ibig sabihin ay ‘hangal.’ Ipagpaumanhin nʼyo po pero hindi ko nakita ang mga mensaherong pinapunta nʼyo kay Nabal.

26“Ngayon po, niloob ng Panginoon na hindi matuloy ang pagdanak ng dugo at paghihiganti ninyo upang hindi madungisan ang inyong mga kamay. Isinusumpa ko sa buháy na Panginoon na inyong Diyos, at sa inyo, na mapahamak nawa tulad ni Nabal ang inyong mga kaaway at ang lahat ng naghahangad ng masama laban sa inyo.

27Kaya, kung maaari, tanggapin ninyo ang mga regalong ito na dinala ko para sa inyo at sa inyong mga tauhan.

28“Patawarin nʼyo po sana ako kung mayroon man akong mga pagkukulang. Nakakatiyak ako na gagawin kayong hari ng Panginoon at magpapatuloy ang paghahari ninyo sa lahat ng inyong salinlahi, dahil nakikipaglaban kayo para sa kanya. Wala sanang makakapanaig na kasamaan sa inyo habang kayoʼy nabubuhay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.