1 Samuel 25

“ ‘Nabalitaan kong nagpapagupit ka ng iyong mga tupa. Noong nakasama namin ang mga pastol mo sa Carmel, hindi namin sila sinaktan at walang anumang nawala sa kanila.

1 Samuel 25:7 (UKJV) And now I have heard that you have shearers: now your shepherds which were with us, we hurt them not, neither was there ought missing unto them, all the while they were in Carmel.

5Kaya nagsugo si David ng sampung kalalakihan sa Carmel at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo doon kay Nabal sa Carmel at batiin ninyo siya sa aking pangalan.

6Sabihin nʼyo, ‘Biyayaan ka nawa ng mahabang buhay. Nawaʼy maging masagana ang buo mong sambahayan at ang lahat ng pag-aari mo.

7“ ‘Nabalitaan kong nagpapagupit ka ng iyong mga tupa. Noong nakasama namin ang mga pastol mo sa Carmel, hindi namin sila sinaktan at walang anumang nawala sa kanila.

8Tanungin mo sila at sasabihin nila ang totoo. Ngayon, nakikiusap ako na pakitaan mo ng kabutihan ang mga tauhan ko, dahil pista ngayon. Ituring mo akong anak at ang mga alipin ko bilang iyong alipin; magbahagi ka sana sa amin ng anumang gusto mong ibigay.’ ”

9Pagdating ng mga tauhan ni David kay Nabal, ipinaabot nila ang mensahe ni David, at naghintay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.