1 Samuel 25

Tanungin mo sila at sasabihin nila ang totoo. Ngayon, nakikiusap ako na pakitaan mo ng kabutihan ang mga tauhan ko, dahil pista ngayon. Ituring mo akong anak at ang mga alipin ko bilang iyong alipin; magbahagi ka sana sa amin ng anumang gusto mong ibigay.’ ”

1 Samuel 25:8 (UKJV) Ask your young men, and they will show you. Wherefore let the young men find favour in yours eyes: for we come in a good day: give, I pray you, whatsoever comes to yours hand unto your servants, and to your son David.

6Sabihin nʼyo, ‘Biyayaan ka nawa ng mahabang buhay. Nawaʼy maging masagana ang buo mong sambahayan at ang lahat ng pag-aari mo.

7“ ‘Nabalitaan kong nagpapagupit ka ng iyong mga tupa. Noong nakasama namin ang mga pastol mo sa Carmel, hindi namin sila sinaktan at walang anumang nawala sa kanila.

8Tanungin mo sila at sasabihin nila ang totoo. Ngayon, nakikiusap ako na pakitaan mo ng kabutihan ang mga tauhan ko, dahil pista ngayon. Ituring mo akong anak at ang mga alipin ko bilang iyong alipin; magbahagi ka sana sa amin ng anumang gusto mong ibigay.’ ”

9Pagdating ng mga tauhan ni David kay Nabal, ipinaabot nila ang mensahe ni David, at naghintay.

10Sinabi ni Nabal sa mga tauhan ni David, “Sino ba ang David na ito na anak ni Jesse? Sa panahon ngayon, maraming alipin ang tumatakas sa kanilang mga amo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.