1 Samuel 28

Nilapitan ng babae si Saul. At nang makita niya na takot na takot si Saul, sinabi niya, “Mahal na Hari, tinupad ko na po ang ipinag-uutos ninyo sa akin kahit na alam kong nasa panganib ang buhay ko.

1 Samuel 28:21 (UKJV) And the woman came unto Saul, and saw that he was sore troubled, and said unto him, Behold, yours handmaid has obeyed your voice, and I have put my life in my hand, and have hearkened unto your words which you spoke unto me.

19Bukas, ikaw at ang mga Israelita ay ibibigay ng Panginoon sa mga Filisteo, at makakasama kita at ang iyong mga anak na lalaki sa lugar ng mga patay.”

20Nang marinig ito ni Saul, natumba siya at nasubsob sa lupa. Matindi ang takot niya sa sinabi ni Samuel. Hinang-hina rin siya sa gutom dahil hindi siya kumain buong araw at gabi.

21Nilapitan ng babae si Saul. At nang makita niya na takot na takot si Saul, sinabi niya, “Mahal na Hari, tinupad ko na po ang ipinag-uutos ninyo sa akin kahit na alam kong nasa panganib ang buhay ko.

22Nakikiusap po akong pakinggan ninyo ang inyong lingkod. Bibigyan ko kayo ng pagkain upang manumbalik ang inyong lakas at makapagpatuloy kayo sa inyong paglalakbay.”

23Ngunit tumangging kumain si Saul. Tinulungan ng mga tauhan ni Saul ang babae sa pagkumbinsi sa kanya na kumain, at pumayag na rin siya. Tumayo siya mula sa lupa at naupo sa higaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.