1 Samuel 28

Ngunit tumangging kumain si Saul. Tinulungan ng mga tauhan ni Saul ang babae sa pagkumbinsi sa kanya na kumain, at pumayag na rin siya. Tumayo siya mula sa lupa at naupo sa higaan.

1 Samuel 28:23 (UKJV) But he refused, and said, I will not eat. But his servants, together with the woman, compelled him; and he hearkened unto their voice. So he arose from the earth, and sat upon the bed.

21Nilapitan ng babae si Saul. At nang makita niya na takot na takot si Saul, sinabi niya, “Mahal na Hari, tinupad ko na po ang ipinag-uutos ninyo sa akin kahit na alam kong nasa panganib ang buhay ko.

22Nakikiusap po akong pakinggan ninyo ang inyong lingkod. Bibigyan ko kayo ng pagkain upang manumbalik ang inyong lakas at makapagpatuloy kayo sa inyong paglalakbay.”

23Ngunit tumangging kumain si Saul. Tinulungan ng mga tauhan ni Saul ang babae sa pagkumbinsi sa kanya na kumain, at pumayag na rin siya. Tumayo siya mula sa lupa at naupo sa higaan.

24Mayroong pinapatabang guya ang babae sa kanyang bahay. Kinuha niya ito at kinatay. Kumuha rin siya ng harina, minasa ito, at nilutong tinapay na walang pampaalsa.

25Inihain niya ang mga ito kay Saul at sa mga tauhan nito, at kumain sila. Pagkatapos, umalis na rin sila nang gabing iyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.