1 Samuel 29

Tinanong siya ni David, “Ano po ba ang kasalanang nagawa ko mula nang sumáma ako sa inyo hanggang ngayon, Mahal na Hari? Bakit hindi ako puwedeng sumámang makipaglaban sa mga kaaway ninyo?”

1 Samuel 29:8 (UKJV) And David said unto Achish, But what have I done? and what have you found in your servant so long as I have been with you unto this day, that I may not go fight against the enemies of my lord the king?

6Kaya tinawag ni Aquis si David at sinabihan, “Nagsasabi ako ng totoo sa presensya ng Panginoon na buháy na mapagkakatiwalaan ka. Kung sa akin lang, gusto kong sumáma ka sa pakikipaglaban ko dahil mula pa noong araw na sumáma ka sa akin hanggang ngayon, wala akong nakitang masama sa iyo. Ngunit walang tiwala sa iyo ang ibang pinuno.

7Kaya umuwi ka na lang at huwag kang gagawa ng kahit anong hindi nila magugustuhan. Umuwi ka nang matiwasay.”

8Tinanong siya ni David, “Ano po ba ang kasalanang nagawa ko mula nang sumáma ako sa inyo hanggang ngayon, Mahal na Hari? Bakit hindi ako puwedeng sumámang makipaglaban sa mga kaaway ninyo?”

9Sumagot si Aquis, “Alam ko na mabuti kang tao tulad ng isang anghel ng Diyos. Ngunit ayaw kang isama ng aking mga kumander sa labanan.

10Maaga kang bumangon bukas, at umuwi ka kasama ang mga tauhan mo bago pa sumikat ang araw.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.