1 Samuel 29

Sumagot si Aquis, “Alam ko na mabuti kang tao tulad ng isang anghel ng Diyos. Ngunit ayaw kang isama ng aking mga kumander sa labanan.

1 Samuel 29:9 (UKJV) And Achish answered and said to David, I know that you are good in my sight, as an angel of God: notwithstanding the princes of the Philistines have said, He shall not go up with us to the battle.

7Kaya umuwi ka na lang at huwag kang gagawa ng kahit anong hindi nila magugustuhan. Umuwi ka nang matiwasay.”

8Tinanong siya ni David, “Ano po ba ang kasalanang nagawa ko mula nang sumáma ako sa inyo hanggang ngayon, Mahal na Hari? Bakit hindi ako puwedeng sumámang makipaglaban sa mga kaaway ninyo?”

9Sumagot si Aquis, “Alam ko na mabuti kang tao tulad ng isang anghel ng Diyos. Ngunit ayaw kang isama ng aking mga kumander sa labanan.

10Maaga kang bumangon bukas, at umuwi ka kasama ang mga tauhan mo bago pa sumikat ang araw.”

11Kaya maagang bumangon sina David at ang kanyang mga tauhan para bumalik sa lupain ng mga Filisteo, at pumunta naman ang hukbo ng mga Filisteo sa Jezreel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.