11Sinabi ng Panginoon, “Tandaan mo ito, hindi magtatagal at may gagawin ako sa bayan ng Israel. Paghaharian ng matinding takot ang lahat ng makakarinig nito.
12Pagdating ng takdang panahon, gagawin ko ang lahat ng sinabi ko laban sa sambahayan ni Eli.
13Sinabi ko sa kanya na habang panahon kong parurusahan ang kanyang sambahayan dahil pinabayaan niyang lapastanganin ako ng kanyang mga anak; hindi man lang niya sila dinisiplina.
14Kaya isinumpa kong kailanmaʼy hindi mapapatawad ang kasalanan ng pamilya ni Eli kahit mag-alay pa sila ng anumang handog.”
15Natulog si Samuel hanggang umaga, at binuksan niya ang pintuan ng bahay ng Panginoon. Natatakot siyang sabihin kay Eli ang tungkol sa pangitain.