1 Samuel 3

Pagdating ng takdang panahon, gagawin ko ang lahat ng sinabi ko laban sa sambahayan ni Eli.

1 Samuel 3:12 (UKJV) In that day I will perform against Eli all things which I have spoken concerning his house: when I begin, I will also make an end.

10Lumapit kay Samuel ang Panginoon at gaya ng dati, tinawag niya ito, “Samuel! Samuel!” Sumagot si Samuel, “Magsalita po kayo, Panginoon, sapagkat nakikinig ang lingkod ninyo.”

11Sinabi ng Panginoon, “Tandaan mo ito, hindi magtatagal at may gagawin ako sa bayan ng Israel. Paghaharian ng matinding takot ang lahat ng makakarinig nito.

12Pagdating ng takdang panahon, gagawin ko ang lahat ng sinabi ko laban sa sambahayan ni Eli.

13Sinabi ko sa kanya na habang panahon kong parurusahan ang kanyang sambahayan dahil pinabayaan niyang lapastanganin ako ng kanyang mga anak; hindi man lang niya sila dinisiplina.

14Kaya isinumpa kong kailanmaʼy hindi mapapatawad ang kasalanan ng pamilya ni Eli kahit mag-alay pa sila ng anumang handog.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.