1 Samuel 3

Lumapit kay Samuel ang Panginoon at gaya ng dati, tinawag niya ito, “Samuel! Samuel!” Sumagot si Samuel, “Magsalita po kayo, Panginoon, sapagkat nakikinig ang lingkod ninyo.”

1 Samuel 3:10 (UKJV) And the LORD came, and stood, and called as at other times, Samuel, Samuel. Then Samuel answered, Speak; for your servant hears.

8Tinawag ng Panginoon si Samuel sa ikatlong pagkakataon. Bumangon siya at pumunta kay Eli, “Ano po iyon? Bakit nʼyo po ako tinawag?” At nooʼy naunawaan na ni Eli ang Panginoon ang tumatawag sa batang si Samuel,

9kaya sinabi niya kay Samuel, “Bumalik ka na ulit at matulog, kung tatawagin ka ulit, sabihin mo, ‘Magsalita po kayo, Panginoon. Nakikinig ang inyong lingkod.’ ” Kaya bumalik si Samuel sa higaan at muling natulog.

10Lumapit kay Samuel ang Panginoon at gaya ng dati, tinawag niya ito, “Samuel! Samuel!” Sumagot si Samuel, “Magsalita po kayo, Panginoon, sapagkat nakikinig ang lingkod ninyo.”

11Sinabi ng Panginoon, “Tandaan mo ito, hindi magtatagal at may gagawin ako sa bayan ng Israel. Paghaharian ng matinding takot ang lahat ng makakarinig nito.

12Pagdating ng takdang panahon, gagawin ko ang lahat ng sinabi ko laban sa sambahayan ni Eli.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.