1 Samuel 3

Tinawag ng Panginoon si Samuel sa ikatlong pagkakataon. Bumangon siya at pumunta kay Eli, “Ano po iyon? Bakit nʼyo po ako tinawag?” At nooʼy naunawaan na ni Eli ang Panginoon ang tumatawag sa batang si Samuel,

1 Samuel 3:8 (UKJV) And the LORD called Samuel again the third time. And he arose and went to Eli, and said, Here am I; for you did call me. And Eli perceived that the LORD had called the child.

6Muli siyang tinawag ng Panginoon, “Samuel!” Bumangon si Samuel, pumunta kay Eli at sinabi, “Ano po iyon? Bakit nʼyo po ako tinawag?” Sumagot si Eli, “Anak, hindi kita tinawag, bumalik ka na at matulog ulit.”

7Hindi pa nakikilala noon ni Samuel ang Panginoon dahil hindi pa nakikipag-usap ang Panginoon sa kanya.

8Tinawag ng Panginoon si Samuel sa ikatlong pagkakataon. Bumangon siya at pumunta kay Eli, “Ano po iyon? Bakit nʼyo po ako tinawag?” At nooʼy naunawaan na ni Eli ang Panginoon ang tumatawag sa batang si Samuel,

9kaya sinabi niya kay Samuel, “Bumalik ka na ulit at matulog, kung tatawagin ka ulit, sabihin mo, ‘Magsalita po kayo, Panginoon. Nakikinig ang inyong lingkod.’ ” Kaya bumalik si Samuel sa higaan at muling natulog.

10Lumapit kay Samuel ang Panginoon at gaya ng dati, tinawag niya ito, “Samuel! Samuel!” Sumagot si Samuel, “Magsalita po kayo, Panginoon, sapagkat nakikinig ang lingkod ninyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.