4tinawag ng Panginoon si Samuel. Sumagot si Samuel, “Ano po iyon?”
5Tumakbo siya kay Eli at sinabi, “Ano po iyon? Bakit nʼyo po ako tinawag?” Sumagot si Eli, “Hindi kita tinawag. Bumalik ka na at matulog ulit.” Kaya bumalik siya at muling natulog.
6Muli siyang tinawag ng Panginoon, “Samuel!” Bumangon si Samuel, pumunta kay Eli at sinabi, “Ano po iyon? Bakit nʼyo po ako tinawag?” Sumagot si Eli, “Anak, hindi kita tinawag, bumalik ka na at matulog ulit.”
7Hindi pa nakikilala noon ni Samuel ang Panginoon dahil hindi pa nakikipag-usap ang Panginoon sa kanya.
8Tinawag ng Panginoon si Samuel sa ikatlong pagkakataon. Bumangon siya at pumunta kay Eli, “Ano po iyon? Bakit nʼyo po ako tinawag?” At nooʼy naunawaan na ni Eli ang Panginoon ang tumatawag sa batang si Samuel,