2Isang gabi, natutulog si Eli sa kanyang kuwarto. Hindi na siya gaanong nakakakita.
3Si Samuel naman ay doon natutulog sa bahay ng Panginoon kung saan naroon ang Kahon ng Diyos. At habang nakasindi pa ang ilawan ng Diyos,
4tinawag ng Panginoon si Samuel. Sumagot si Samuel, “Ano po iyon?”
5Tumakbo siya kay Eli at sinabi, “Ano po iyon? Bakit nʼyo po ako tinawag?” Sumagot si Eli, “Hindi kita tinawag. Bumalik ka na at matulog ulit.” Kaya bumalik siya at muling natulog.
6Muli siyang tinawag ng Panginoon, “Samuel!” Bumangon si Samuel, pumunta kay Eli at sinabi, “Ano po iyon? Bakit nʼyo po ako tinawag?” Sumagot si Eli, “Anak, hindi kita tinawag, bumalik ka na at matulog ulit.”