1 Samuel 3

Kaya isinumpa kong kailanmaʼy hindi mapapatawad ang kasalanan ng pamilya ni Eli kahit mag-alay pa sila ng anumang handog.”

1 Samuel 3:14 (UKJV) And therefore I have sworn unto the house of Eli, that the iniquity of Eli's house shall not be purged with sacrifice nor offering for ever.

12Pagdating ng takdang panahon, gagawin ko ang lahat ng sinabi ko laban sa sambahayan ni Eli.

13Sinabi ko sa kanya na habang panahon kong parurusahan ang kanyang sambahayan dahil pinabayaan niyang lapastanganin ako ng kanyang mga anak; hindi man lang niya sila dinisiplina.

14Kaya isinumpa kong kailanmaʼy hindi mapapatawad ang kasalanan ng pamilya ni Eli kahit mag-alay pa sila ng anumang handog.”

15Natulog si Samuel hanggang umaga, at binuksan niya ang pintuan ng bahay ng Panginoon. Natatakot siyang sabihin kay Eli ang tungkol sa pangitain.

16Ngunit tinawag siya ni Eli, “Samuel, anak.” Sumagot si Samuel, “Ano po iyon?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.