1 Samuel 3

Ngunit tinawag siya ni Eli, “Samuel, anak.” Sumagot si Samuel, “Ano po iyon?”

1 Samuel 3:16 (UKJV) Then Eli called Samuel, and said, Samuel, my son. And he answered, Here am I.

14Kaya isinumpa kong kailanmaʼy hindi mapapatawad ang kasalanan ng pamilya ni Eli kahit mag-alay pa sila ng anumang handog.”

15Natulog si Samuel hanggang umaga, at binuksan niya ang pintuan ng bahay ng Panginoon. Natatakot siyang sabihin kay Eli ang tungkol sa pangitain.

16Ngunit tinawag siya ni Eli, “Samuel, anak.” Sumagot si Samuel, “Ano po iyon?”

17Nagtanong si Eli, “Ano ba ang sinabi ng Panginoon sa iyo? Huwag kang maglilihim sa akin. Parusahan ka nawa ng Diyos nang matindi kung hindi mo sasabihin sa akin ang lahat ng sinabi niya sa iyo.”

18Ipinagtapat nga ni Samuel ang lahat sa kanya, at wala siyang itinago. Sinabi ni Eli, “Siya ang Panginoon. Gagawin niya kung ano sa tingin niya ang mabuti.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.