1 Samuel 3

Nagtanong si Eli, “Ano ba ang sinabi ng Panginoon sa iyo? Huwag kang maglilihim sa akin. Parusahan ka nawa ng Diyos nang matindi kung hindi mo sasabihin sa akin ang lahat ng sinabi niya sa iyo.”

1 Samuel 3:17 (UKJV) And he said, What is the thing that the LORD has said unto you? I pray you hide it not from me: God do so to you, and more also, if you hide any thing from me of all the things that he said unto you.

15Natulog si Samuel hanggang umaga, at binuksan niya ang pintuan ng bahay ng Panginoon. Natatakot siyang sabihin kay Eli ang tungkol sa pangitain.

16Ngunit tinawag siya ni Eli, “Samuel, anak.” Sumagot si Samuel, “Ano po iyon?”

17Nagtanong si Eli, “Ano ba ang sinabi ng Panginoon sa iyo? Huwag kang maglilihim sa akin. Parusahan ka nawa ng Diyos nang matindi kung hindi mo sasabihin sa akin ang lahat ng sinabi niya sa iyo.”

18Ipinagtapat nga ni Samuel ang lahat sa kanya, at wala siyang itinago. Sinabi ni Eli, “Siya ang Panginoon. Gagawin niya kung ano sa tingin niya ang mabuti.”

19Patuloy na pinapatnubayan ng Panginoon si Samuel habang siyaʼy lumalaki. Niloob ng Panginoon na matupad ang lahat ng sinabi ni Samuel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.